Technology

Meron ka Globe Rewards Points? Good as cash ito!

Madalas ka bang napapaisip kung paano pagkakasyahin ang pinaghirapang pera o sahod, lalo na para sa mga pang-araw araw na pangangailangan at mga di inaasahang sitwasyon? Alam mo bang ang bawat Globe Rewards point ay ‘good as cash?’

Katumbas ng bawat point ay P1, kaya’t sa pamamagitan ng Globe Rewards, puwede kang makabili ng mga gusto mong pagkain, bagay at serbisyo tulad ng Grab Food, Lazada, Shopee, Zalora, at marami pang iba!

Bukod diyan, puwede mo rin ma-redeem ang Rewards points para sa health insurance. 15 points lang ang katapat niyan o GCash credits for as low as 10 points.

Paubos na ba ang load mo? Gamitin ang Rewards points at i-redeem sa data promos. Posible yan for as low as 2 points para sa SURF100MB at 10 points naman para sa SURF1GB.

Madali lang din maka-ipon ng Rewards points!

Para sa mga Globe mobile customers, may Rewards points na sila agad sa oras na magbayad ng monthly bill, mag-load o mag-top up! Lahat ng Prepaid, Postpaid, Platinum, TM, Globe At Home, Home Prepaid WiFi customers, pati na ang AMAX retailers — pasok para maka-ipon ng Rewards points.

Katunayan, may mga happy Globe customers na nakasubok na nito.

“Dahil subok ko ito… at kung wala kang pera pambili ng load, pwede mo siya gamitin para makatawag ka agad sa gusto mong tawagan lalo ng kapag importante,” sabi ng isang TM customer.

“Kasi I always use it pang emergency ko, especially pag mauubusan ng ako ng load na walang available sa tindahan,” ayon sa isa pang TM customer.

“Nang dahil sa experience ko, madalas niyo akong binibigyan ng points kapag nag load ako. Masaya na ko dun, kapag nauubusan ako ng load, nagagamit ko ang points na binigay nyo as reward” mula sa isang Globe Prepaid customer.

“Minsan wala ka talagang mapagloadan, at kailangan mo mag-text o call, ang redeem sa TM ay talagang malaking tulong,” galing pa sa isang prepaid customer.

Ang ibang Globe customers, ginagamit ang Rewards points para sa pang-araw araw na pangangailangan.

“Pwedeng mag-redeem kahit asan ka pa,” ayon sa isang subscriber.

“Dahil lahat ng ino-offer ng Globe Rewards ay swak lang sa budget ng karamihan” na ibinahagi ng isang customer na nag-redeem ng rewards.

“Ang Globe Rewards, parang currency ito. Ginagamit ng aming mga customer ang kanilang points bilang ‘cash’ kapalit ng gusto nilang produkto o serbisyo. Paraan din namin ito para magpasalamat sa kanila – ang aming mga customer, na nagmamahal at tumatangkilik sa aming mga produkto. Natutuwa kami at nakakatulong ang aming Globe Rewards points sa budyet ng pamilya ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Joey Kilayko, Head ng Globe Rewards.

I-download ang Globe Rewards app ngayon para ma-redeem ang rewards at iba pa! Visit glbe.co/GRewardsApp to know more.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x